4 Simple Rules

1. Sumali at Makigulo- Magpost ng mga nakakatawa o interesting na litrato o video. I-vote niyo ang mga post na sa palagay niyo ay interesting o nakakatawa. Ishare niyo sa facebook, tweeter at iba pang social media sites para ma-enjoy din ng iba. Magcomment at sumali sa mga discussions. Maraming way para magparticipate sa RowPor.com.

2. Respeto sa kapwa- Ang RowPor ay katuwaan lang, walang personalan, ingatan ang mga bagay na ipopost. Dapat hindi ito makakasakit, o makakasira sa ibang tao. Hindi acceptable ang mga post na may halong pambubuska o panglalait sa mga spesyal na parte ng ating lipunan gaya ng mga taong may kapansanan, siyempre since katuwaan lang ang site na ito hindi rin tayo pwedeng magpost ng mga bagay na makakasagasa sa paniniwala ng iba gaya ng relihiyo . Beyond that, kahit ano na.

3. Irespeto ang Creativity at Originality ng iba- Kung may nakita kayong post na galing sa ibang site, sa mga facebook page na gusto niyong ishare sa RowPor.com, ibigay natin sa kanila ang credit. Ilagay niyo sa ilalim ang link kung saan niyo nakuha ang picture na yun o video. Of course may limitasyon din naman yun, siyempre sa mga site owners naman na gustong magpost ng mga items na galing sa site nila, huwag naman sana mas malaki pa ang watermark kaysa dun sa post.

4. Report Abuse- Nag- iisa lang po ako na nagmamaintain, at nagmomoderate ng site. May mga items na hindi ko makikita na lumabag sa ating mga simpleng rules. Don’t hesitate na ireport ang mga nasabing post sa admin at bibigyan natin ito ang agad at karampatang solusyon(Naks!)

Yun lang po, at sana ay magenjoy tayong lahat sa ating community.

RowPor.com Admin